“Matuwid na Pamamahala Tungo sa ARMM na Masagana’t Mapayapa”

Friday, March 1, 2013

8-week Summer Kindergarten Curriculum para sa mga IPs, kauna-unahan isinakatuparan sa Upi, Maguindanao!

(March 01,2013) Kauna-unahang isinakatuparan sa ang programang 8-Week Summer Kindergarten Curriculum para sa mga IPs sa Upi, Maguindanao, kung saan nagkaroon na ng training para sa IP Volunteer Teachers na sinimulan nitong February 25,2013 at isinagawa ang Closing Program kaninang umaga sa San Isidro Parish Formation Center.

Ito ay dinaluhan ni Dep Ed ARMM Assistant Secretary Noor Mohammad Saada, at laman ng kanyang mensahe na huwag mawalan ng pag-asa bagkus patuloy na mangarap para sa magandang kinabukasan ng kabataang Teduray.

DepEd-ARMM Asec Noor Saada nagbibigay ng kanyang mensahe. (Photo c/o Alih S. Anso, DXUP Manager)

Nagpasalamat din siya sa mga bumuo ng nasabing programa lalo na ang Regional government sa pamumuno ni ARMM Governor Mujiv Hataman.

Pinuri din nito ang Upi na isang modelong Local Government Unit at dapat umanong gayahin ng ibang bayan sa buong nasasakupan ng ARMM.

Ilan pa sa mga dumalo sina Upi Executive Assistant Secretary Josephino Dabuco na kumatawan kay Mayor Ramon Piang Sr.,Borongotan Elementary school Teacher In-charge Amalia Cabanes na kumatawan sa Upi North District Supervisor Cresencio Limao, BRAC Philippines Consultant Bella Lanestosa at Orlando Benito na kumatawan kay Assemblyman Deonato Mokudef.

Ang UNICEF ay kasama din sa programa upang idokumento ang programang ito at magbigay din ng gabay bilang natatanging international na ahensiyang may katungkulan upang itaguyod ang karapatan ng mga kabataan magkaroon ng kalidad na edukasyon.

Ang nasabing programa ay aktibong pinamunuan ni ARMM Deputy Governor for IPs, Timuay Hilario Tanzo. 

Nagbigay din impressions ang mga IP Volunteer Teacher na sina Bobby Lloyd Suenan ng South Upi,Maguindanao, Ernesto Alfonso ng North Upi, Maguindanao at Eddie Morabong ng Datu Blah Sinsuat.

Kabuuang 32 na mga IP Volunteer Teacher ang sumailalim sa limang araw na training, kung saan magsisimula ang klase sa buwan ng Abril hanggang Mayo at ang target ng nasabing programa ang mga batang Teduray na may edad lima hanggang anim na taon. (Balita ni Noralyn Bilual)


No comments:

Post a Comment

"Matuwid na pamamahala tungo sa ARMM sa masagana't mapayapa"

English - "Good governance for a progressive and peaceful ARMM."

Sinama - "Hap pamarinta tudju ARMM na sambu maka salamat"

Bahasa Sug - "Dan mabuntul tudju pa ARMM masambu iban mahatul"

Meranaw - "Mathitu a kandatu sa ARMM ko katagompiya go kalilintad"