“Matuwid na Pamamahala Tungo sa ARMM na Masagana’t Mapayapa”

Saturday, July 28, 2012

Remate: Convoy ng DepEd official tinambangan

by Johnny Arasga Jul 28, 2012 10:38am HKT

IPINAG-UTOS ngayon ni Autonomous Region For Muslim Mindanao (ARMM) OIC Governor Mujiv Hataman sa Police Regional Office na magsagawa ng malalimang imbestigasyon kaugnay sa nangyaring pananambang sa convoy ni Department of Education ARMM Regional Secretary Tamar Kulayan.

Bagama’t wala namang nasaktan sa nasabing pananambang, ipinag-utos pa rin ni Hataman ang imbestigasyon kay Police Regional Director Chief Supt Mario Avenido

Ayon sa report, galing ng Marawi City ang apat na sasakyang convoy ni Sec. Kulayan pauwi ng Cotabato City nang pagsapit sa binisidad ng Ganasi at Pualas sa Lanao del Sur ay pinaputukan ito ng mga hindi kilalang armado.

Nais ni Gov Hataman na tugisin ang salarin para mapanagot.

No comments:

Post a Comment

News Articles

"Matuwid na pamamahala tungo sa ARMM sa masagana't mapayapa"

English - "Good governance for a progressive and peaceful ARMM."

Sinama - "Hap pamarinta tudju ARMM na sambu maka salamat"

Bahasa Sug - "Dan mabuntul tudju pa ARMM masambu iban mahatul"

Meranaw - "Mathitu a kandatu sa ARMM ko katagompiya go kalilintad"