“Matuwid na Pamamahala Tungo sa ARMM na Masagana’t Mapayapa”

Thursday, January 23, 2014

ARMM, naghahanda na sa pagtatag ng Bangsamoro entity ng MILF

By Bombo Elmar Acol

ZAMBOANGA CITY - Ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na umano ng Autonumous Region in Msulim Mindanao (ARMM) para sa inaasahang pagtatag ng bagong Bangsamoro political entity sa Mindanao sa ilalim ng pamumuno ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ito ang inihayag ni Atty Laisa Alamia, ang executive secretary ng ARMM sa isinagawang pagpupulong sa Zamboanga City kasama ang iba pang mga matataas na opisyal ng ARMM.

Sinabi pa nito na sa ilalim ng pamumuno ni ARMM Gov. Mujiv Hataman, patuloy ang istriktong implementasyon nila ng mga polisiya partikular sa ahensya ng Department of Public Works and highways (DPWH) at sa Department of Education (DepEd) na itinuturing NA kabilang sa pinaka-corrupt umano na ahensya noon sa ARMM.

Sa DepEd, ang tinututukan nila ngayon ay mga tinaguriang “ghost teacher” at mga “ghost student” sa maraming mga paaralan na hindi pa tuluyang naaalis lahat.

Ginagamit pa rin umano nila ang proseso ng biometric scan sa lahat ng mga guro at mga estudyante para maalis sa listahan nila ang mga pekeng pangalan.

Habang sa DPWH naman ay ang istriktong proseso sa mga bidding ng mga proyekto para masigurong hindi mapupunta ang pondo sa wala.

“Our goal is to turn-over a reformed ARMM to the new Bangsamoro Political Entity because it is expected that by 2015 or 2016, ARMM will be abolished once the new Bangsamoro basic law will be passed by congress and ratified by the people to a plebiscite. So we are ready for that,” pahayag pa ni Atty. Alamia.

Kabilang din umano sa kanilang paghahanda ay ang pagsasagawa ng inventory sa lahat ng mga ARMM employee, property at assets, mga kinakaharap na problema at iba pang mga mahahalagang bahay sa ilalim ng pamumuno ng ARMM.

Sa kabila nito, aminado pa rin si Atty. Alamia na marami pa silang dapat tuparin para ihanda ang ARMM sa oras na mapupunta na ito sa pamunuan ng bagong Bangsamoro entity.

“Ang ginagawa din namin ngayon ay bringing the regional efforts down to the provincial level para maramdaman ng mga tao kung ano ang mga efforts na ginagawa ng ARMM at the provincial level,” dagdag pang pahayag ni Alamia.

Source: http://www.bomboradyo.com/news/more-news/item/41221-armm-naghahanda-na-sa-pagtatag-ng-bangsamoro-entity-ng-milf#sthash.bdOqP46g.dpuf

No comments:

Post a Comment

News Articles

"Matuwid na pamamahala tungo sa ARMM sa masagana't mapayapa"

English - "Good governance for a progressive and peaceful ARMM."

Sinama - "Hap pamarinta tudju ARMM na sambu maka salamat"

Bahasa Sug - "Dan mabuntul tudju pa ARMM masambu iban mahatul"

Meranaw - "Mathitu a kandatu sa ARMM ko katagompiya go kalilintad"