“Matuwid na Pamamahala Tungo sa ARMM na Masagana’t Mapayapa”

Friday, March 2, 2012

RG Hataman's Graduation Message

THEME: “Developing Human Resources: The path towards a knowledge based society.”

Assalamu alaikum Wa Rahmatullahi Wa Barakatu.

Magandang hapon po sa inyong lahat at salamat sa panahon na inyong iginawad upang kayo ay aking makausap.

Una sa lahat, gusto kong ipahayag ang aking pagbati at paghanga sa inyo. Binabati ko kayo dahil sa araw na ito ay makakamit na ninyo ang inyong ina-asam at pinaghirapang diploma. At habang ako ay bumabati sa inyo ay hindi ko rin mapigilan ang aking sarili na ipahayag ang aking pagka-inggit sa inyo dahil ako mismo ay hindi nakaranas ng grumadweyt.

Inggit na inggit ako sa inyo dahil ramdan ko ang inyong saya. Ito marahil ang dahilan kung bakit nakapaskil sa inyong mga mukha ang matatamis na mga ngiti. Mistulang nasa alapaap ang inyong mga pakiramdam kaya dapat lang na kayo ay magdiwang at magsaya sa araw na ito. 

Syempre meron din sa inyo ang nalulungkot at nag-a-alala dahil mahihiwalay na kayo sa inyong mga klasmeyts o kung inyong tawagin ay mga “kabarkads” o kaya naman mga girlfriend o boyfriend--- na iilan ding taon mong nakasama. Maiiwan na ninyo ang mga gurong inyong hinahangaan. Maiiwan na ninyo ang inyong napamahal na “alma mater”. 

Pero anomang inyong lungkot at pag-alala ay napapawi sa isang buntong hininga---na may kasamang realisasyon---na sa wakas sa araw na ito ay matatapos narin ang inyong pagsa-sakripisyo. Masaya kayo dahil akala ninyo, sa pagtatapos ninyong ito, pormal na ring magtatapos ang iyong “kalbaryo”. 

Mga kaibigan, ayaw ko sanang ipakli ang inyong pag-bubunyi sa araw na ito. But I feel that I have some degree of obligation, to make clear to you some of the realities that I realized but was afraid to share when I was about your age today. And I cannot just renege from that obligation. Not now when I have the chance. 

Alamin ninyo na hindi madaling mag-“level up” sa totoong buhay, lalo na dito sa ARMM. Hindi ito katulad ng mga on-line games sa facebook na sa isang click lang ng mouse ay may mga kaibigan ka agad na nakahandang tumulong sa pag-harvest ng iyong pananim o kaya nama’y sa pag-patayo ng iyong skyscrapers. Ang totoong buhay ay walang mga “promos” tulad ng mga sulit-calls at unli-texts (sa cellphone lang uso ang mga yon!), na pwede mong ka-agad-agad na ma-avail.

Dahil dito ako ay nangangamba na bukas o makalawa, paghumpay ng inyong selebrasyon, kayo ay magigising sa mga realidad na kung hindi ninyo mapag-handaan ay magiging mistulang dambuhala na lalamon sa inyo. Halimbawa na lang:

Una, realidad na tatanda ang iyong mga magulang. Therefore, dapat hindi kayo aasa sa kanila habang buhay. Tandaan mo sa kanilang pag-tanda, sila ay aasa sa iyo.

Pangalawa, realidad na ikaw ay mag-aasawa. Therefore, ikaw ay magka-kaanak. Tandaan mo sa kanilang paglaki, sila ay aasa sa iyo.

Ang tanong ko: Ano ang plano mo? Ano ang mga gagawin mo upang mapag-handaan ang mga ito?

Alam ko na madali sanang sagutin ang mga simpleng tanong na ito kung tayo ay nasa progresibo at mapayapang bansa o rehiyon. Kung saan napakadaling mag-plano, at bawat plano ay may katumbas na suporta. At dagdag pa dito ang mga samut-saring oportunidad, at mekanismo upang itaguyod ang pagpalago at pagpalawak. 

Pero ang buhay natin sa ARMM mahirap man tanggapin ay napaloob sa kategorya na “Abnormal”. Lugmok tayo sa kakulangan sa oportunidad. Kaya siguro napakahirap nating mag-plano kung ano ang nararapat. At kung may plano man, wala namang suporta. Kadalasan mag-uumpisa pa lang, balda na kaagad. Nakaka-panghihina talaga ng loob.

Kaya siguro karamihan sa atin ay umi-iwas na lang. Ang iba naman ay tinatakbuhan ang realidad. PAG-IWAS AT PAG-TAKBO ang atin ng nakasanayang gawi sa mga pagsubok sa ating buhay. At ang karamihan sa atin ay patuloy pa rin tumatakbo. Akala natin kaya nating iwanan ang karera ng buhay at realidad. 

Kaya siguro karamihan sa atin ay may kani-kanila ng mga sariling mundo. Iba’t ibang lider, iba’t ibang interes o prioridad. Iba’t ibang grupo, iba’t ibang agenda. Iba’t ibang tribu, iba’t ibang mentalidad. 

Pero, papano natin harapin ang mapaghamong bukas kung ang nakasanayang sagot ay pag-iwas? How can we transcend above our “collective mediocrity” if the course we choose to take is: FLIGHT rather than FIGHT? What happens to our fighting instincts? AREN’T WE, the bold, the proud and the brave moros? Papayag ba ang graduates ng batch 2012 na UMIWAS at TUMAKBO na lang?

Sa hilig na TUMAKBO ng karamihan, tuloy naisip ko, TAKBO na rin ang tugon ko. Kaya upang tuldukan at wakasan ang mga pag-IWAS at pag-TAKBO, kami ay bumuo ng RAN (REFORM ARMM NOW). Pansinin ninyo na ito ay nasa “past tense” na, kasi hindi na ako papayag na TAKBUHAN pa natin ng pa-ulit-ulit ang ating mga problema.

REPORMA ang ating sagot. At gusto kong sabihin sa inyo na ito ay kasalukuyan nating ipinapatupad sa ARMM.

Kanina nag-banggit ako ng dalawang realidad. Ito ang realidad ng pag-tanda at realidad ng pag-aasawa. Actually, sinusubukan ko lang ang reflexes ninyo. Ngayon, makinig kayo. Dahil ito ay ang realidad na kaharap mo. And I want you to picture this:

Lugmok tayo sa kahirapan. Tayo sa ARMM ang may pinakababang antas ng kahirapan sa Pilipinas, na patuloy pang bumubulusok at sa ngayon taon ay nasa 51% na ang ating poverty incidence rate. Ibig sabihin nito sa bawat sampung mamayan sa ARMM, 5 hanggang 6 dito ay mahirap at patuloy na naghihirap. Kaya naman kung hindi ka naka-tayan ng baka sa araw na ito, sana ay maintindihan mo.

Tayo ang mayroon pinaka-babang un-employment rate sa bansa. At sa araw na ito kayo na mismo ang ida-dagdag sa istatistika. Paano na yan?

Sa buong Pilipinas, ang rehiyon natin ang may pinakababang antas ng Illiteracy rate. Patuloy tayong nangu-ngu-lelat sa NAT (National Achievement Test) para sa mag-aaral sa elementarya, at lubhang nakapa-baba ang performance rating ng ating mga guro.

Sa ating rehiyon, patuloy ang dumadaming nagugutom. Record holder tayo sa dami ng mga batang na may malnutrisyon.

Sa rehiyon natin ang meron pinaka-maraming nagkakasakit. Napakababa din ng ating life expectancy rate.Nandiyan pa ang kakulangan ng mga gamot at pagamutan. 

Idagdag pa ninyo dito ang pag-away-away ng mga angkan, at pag-bugso-bugsong karahasan dulot ng paglalaban ng mga rebelde at sandatahan ng gobyerno.

Nandiyan pa ang paglabag sa ating mga karapatang pantao. Marginilisasyon. Diskriminasyon. Paninikil at pang-aabuso ng mga silang nasa katungkulan. At kailangan ko pa bang banggitin sa inyo ang “pinakasikat” sa lahat? Ang kultura ng katiwalian at korapsyon na naka-ugat na sa ARMM ng halos o dalawang dekada?! (Ani ni PNoy) “Naman”…

Mga kaibigan, gusto ko sanang dagdagan pa kaso baka hindi na ninyo makayanan. Baka kayo ay mangamba at lalong mapanghinaan ng loob. Baka kayo ay lalong IIWAS. Baka kayo ay TATAKBO. At babalik na naman tayo sa “square 1”. 

Huwag kayong mangamba. Ngayon pa ba kayo uurong, kung kelan kayo ay gradweyt na? Ngayon pa ba kayo susuko, kung kelan nasa ARMM na ang reporma? Sayang naman ang pinaghirapang diploma kung wala ring silbi. Pero katulad ng aking pagkasabi kanina, yan din ang dinanas namin noon. Kaya siguro ako ay hindi nakapagtapos at nai-inggit sa inyo ngayon. Pero kahit mas matindi pa ang kalagayan namin noon, kahit “suntok sa buwan” man kung ituring, pinilit naming makibaka at pinilit naming bumangon. 

Napagtanto ko na ang pag-IWAS ay kakambal ng pag-suko. Kaya, imbes na magmukmok at humimlay sa kandungan ng kawalan ng pag-asa, pinili kong bumangon. Pinili kong kumilos….Pinili ko ang landas ng reporma at pagbabago!

At ito ang gusto kong ipamahagi sa inyo ngayon. Ang magkaroon ng TAPANG at LAKAS NG LOOB. Tulad ng karamihan sa inyo ngayon, mahina din ang loob ko noon. Wala akong “guts” at torpe pa. Pero sa aking pagpu-punyagi ay natutunan ko ng e-overcome ang lahat ng mga ito (maliban na lang sa pagiging torpe). At para sa inyo, sa BATCH 2012, ay ipapamahagi ko ang mga prinsipyong ito. If it works for me, maybe it will also work for you. Pahalagahan at i-apply lang ninyo. 

Una sa lahat, CHANGE. Sabi ng Allah, “Hindi ko babaguhin ang inyong kundisyon, kung hindi mismo kayo ang magbago”. Tanggapin mo ito ng walang pag-a-alinlangan. Baguhin mo ang dapat na baguhin. At ito ay iyong panindigan.

Pangalawa, CRITICAL THINKING. Maging kritiko kayo. Bigyan naman ninyo ng pagkakataon ma exercise ang brain ninyo. Sabi nga ng aking paring kaibigan, “Mujiv, it is okay to criticize but just keep it to yourself”. Kaso paminsan minsan, na-bli-“blurt out” ko ang nasa isip ko lalo na sa mga pagkakataon na may nang-aabuso. 

Pangatlo, CHOICE. Gustong kong ipa-ala-ala sa inyo na nasa inyo ang pagpapasya. Walang anomang pwersa sa mundo o sinomang hari-harian ang maka-supil ng karapatan na ito dahil ito ay iyong pag-aari, at ito’y likas na sa iyo. Gamitin mo ang karapatang ito. Marami kang mga hakbangin na kailangan ng matapang na pagde-desisyon.

Pang-apat, CREATIVITY. Gamitin ninyo ang inyong malawak na imahinasyon upang bumuo ng mga bagong paraan upang inyong makamit ang anuman na inyong mithiin. Dito masusubukan ang inyong galing. Labis ang aking paghanga sa mga taong meron nito. 

Pang-lima, COMPETENCE. Ito ay mga bagay na natutunan mo sa pag-aaral, trainings at seminar. Minsan naman ito ay matutunan mo sa paulit-ulit na pag-praktis, at pakikisalamuha mo sa mga tao. Kung magtrabaho ka, malamang yang ang unang tutukuyin sa iyo. 

Pang-anim at pang-huli, CONSULTATION. Sumangguni ka sa mga kaibigan at kasama. Sa tuwing kayo ay nag-uusap, kayo ay nabubuklod. Bigyan mo ito ng halaga dahil ito ay kautusan din ng Allah.

Mga kaibigan, subukan ninyo ang “6-C’s” sa pag-pawi ng inyong pangangamba. Kung hindi uubra, ayos lang. Gumawa kayo ng formula na mahihiyang sa inyo. Basta huwag lang kayo susuko. Huwag lang kayo tatakbo. At iyan ay inyong ipangako at itatak sa bato.

Right now I am employing the “6 C’s” in order to evolve a “lean and mean” bureaucracy for the ARMM. We are developing a pool of human resources. Nang ako ay umupong bilang OIC Regional Governor ng ARMM ay agad akong bumuo ng “Search Committee”. Ito ay kailanman hindi pa nagawa sa ARMM. Layunin nito ang maghanap ng mga magagaling na personalidad upang maging katuwang nating sa reporma. At ito ay ginawang bukas para sa lahat. 

Hindi ko sinabi sa mga miyembro ng kumite na nais kong maghanap ng mga taong may “6 C’s” dahil ayoko silang ma-kumpromiso. Or worst, baka naman magkaka “lost in translation” at mapag-kamalan “sexies” ang “6 C’s”. Mahirap na. 

Pero sa loob-loob ko, sana ako ay palarin. At hindi naman ako nabigo.

Inulan ako ng kritisismo, reklamo at mga batikos. Sabi, “Bakit si kuwan, may doctorate degree, bakit hindi na appoint? Si kuwan, number 1 sa rating, bakit hindi na-appoint?” Ang sagot ko noon sa kanila ay pananahimik. Pero sa araw na ito, ay alam na ninyo. And I don’t want to state what is obvious.

I hope I have given you a snapshot of how the “6 C’s” works for me (and how it relates to our program’s theme this afternoon). But I am not finished yet. I want to add “I” (Not the “I” that is related to me, and myself). I am referring to INTEGRITY. Again, sa mga malakas na magreklamo, ang masasabi ko ngayon sa inyo: I don’t want to stress what is already obvious. 

Kaibigan, hindi na ako magpatumpik tumpik pa. Marami tayong problema na dapat ayusin. Suffice it to say, that right now, I am still clinging to my claim---by advancing that the knowledge and skills you earned or learned from college today, plus the letter “I”, plus the “6 C’s”, equals EXCELLENCE. 

EXCELLENCE. KAGALINGAN. KAHUSAYAN. Ito ay hangad ng lahat. Ilang siglo na ang nakaraan, dominado ng mga muslim ang mundo ng sining at siyensiya. 

Dinomina ng KAGALINGAN nina Abul Walid Muhammad bin Ahmad bin Rusd o Averoes at Abu Ali al-Husayn ibn Abdullah ibn Sina o Avicenna ang mundo ng medisina at pilosopiya. Dinomina ng KAHUSAYAN ng mga muslim ang mundo ng matematika sa pamamagitan ng Algebra ni Muhammad Ibn Musa Al-khwarizmi. At marami pang iba. 

Sa internet makikita mo. 1001 Inventions: The Enduring Legacy of Muslim Civilization! Sa aking pakiwari, kung nagawa ng mga Muslim noon ang pagiging MAGALING AT MAHUSAY, ay magagawa din nating mga Muslim ngayon. Kailangan lang ng PAGBABAGO. Kailangan lang ng REPORMA.

Sa tindi ng ating mga pag-subok at suliranin ay kailangan natin ng mga MAHUHUSAY at MAGAGALING. At sila ay kailangan natin ngayon. Let us summon all our wills to pursue the path of excellence. Kanina, nagpahayag na ako ng aking formula. Magpahayag naman kayo ngayon. 

And that is my thesis right now. USE it. LIVE it. If you want. Any time. 

Congratulations Batch 2012! Mabuhay kayong lahat! Salamat sa pag-kinig. Wassalam....

No comments:

Post a Comment

News Articles

"Matuwid na pamamahala tungo sa ARMM sa masagana't mapayapa"

English - "Good governance for a progressive and peaceful ARMM."

Sinama - "Hap pamarinta tudju ARMM na sambu maka salamat"

Bahasa Sug - "Dan mabuntul tudju pa ARMM masambu iban mahatul"

Meranaw - "Mathitu a kandatu sa ARMM ko katagompiya go kalilintad"